May BF na seaman (2) | Bandera

May BF na seaman (2)

Joseph Greenfield - August 24, 2016 - 12:10 AM

Sulat mula kay Joanne ng Poblacion II, Obrero, Butuan City
Problema:
1. May boyfriend akong seaman. Magtu-two years na ang relasyon namin at ang pangako niya sa akin ay pagbaba niya ng barko ay magpakasal na kami. Ang ganda ng mga pangako niya para sa future namin—kapag kasal na raw kami ay mag-iipon siya ng maraming-maraming pera para makapagpaggawa kami ng dream house sa isang exclusive subdivision.

2. Naisipan ko pong sumangguni sa inyo dahil gusto kong malaman kung sakaling magpapakasal ako sa kanya, magiging masuwerte kaya ang aming pamilya? At sa nakikita n’yo sa aking palad at sa aming mga birthday, siya na kaya ang makakatuluyan ko? March 28, 1987 ang birthday ng boyfriend kong seaman at November 25, 1994 naman ang birthday ko.

Umaasa,
Joanne ng Butuan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2) ang nagsasabing tunay ngang compatible kayo ng boyfriend mo na isang Aries. Nangyari ito dahil ang Aries at Sagittarius ay kapwa may iisang elementong tinataglay—ang elementong fire o apoy.

Numerology:
Ang birth date mong 25 na may ruling planet na Neptune/Moon ay sadyang compatible rin sa birth date ng boyfriend mo na 28 na may ruling planet naman na Uranus/Sun. Ibig sabihin, kapag kayo ang nagkatuluyan, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating sa inyong tahanan.

Luscher Color Test:
Mapalad ang kulay na berde, red at yellow para sa araw ng inyong kasal. Ang nasabi ring mga kulay ang gamitin ninyo sa itatayo ninyong bahay kung sakaling magpapagawa na kayo ng bahay upang tuloy-tuloy na suwertehin ang inyong buhay.
Huling payo at paalala:
Joanne, ayon sa iyong kapalaran, wala namang problema kung papayag kang magpakasal sa kasalukuyan mong boyfriend na isang seaman. Tulad ng nasabi na ay sadyang tugma at compatible kayo sa isa’t-isa. Ibig sabihin, hindi mo dapat pag-alinlanganan ang plano ng boyfriend mo para sa inyong future dahil ang lahat ng parangap at pangakong nabanggit niya—na mag-iipon siya para pakasalan ka at para makapagpatayo kayo ng dream house sa isang exclusive subdivision—ay magsisimula at kusang magaganap sa Abril 2019.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending