MATAGAL na ring nanunungkulan sa mundo ng Philippine sports si Celia Kiram kaya hindi kataka-taka na bigyan siya ng matinding responsibilidad bilang commissioner ng Philippine Sports Commission. Ilan sa mga iniatang sa nag-iisang babae na PSC Board ay ang pagtaguyod sa sektor ng kabataan at kababaihan pati na rin ang ARMM. Nakapanayam ni Bandera correspondent Eric Dimzon ang dating presidente ng Philippine Pencak Silat Association at ito ang kanyang sinabi.
Ano ang pinagkakaabalahan mo bago ka napuwesto sa PSC bilang commissioner?
Ako ang presidente ng Philippine Pencak Silat Association. Ako rin ang PSC representative sa Batang Pinoy at Philippine National Games. Then ako rin ang POC chairwoman on Committee on Culture and Arts. So talagang abala ako bago pa ako napunta sa PSC bilang commissioner.
Bilang PSC commissioner, ano ang bibigyan mo ng prayoridad?
Unang-una, binigay sa akin ang women sports. Tapos yung ARMM region bibigyan din ng representasyon sa ating sports. Magkakaroon ng sports enhancement program sa Mindanao for talent identification. Para naman magkaroon tayo ng mas maraming national athletes coming from Mindanao just like Olympic silver medalist Hidilyn Diaz who is from Zamboanga.
Ano sa tingin mo ang magiging relasyon ng POC (Philippine Olympic Committee) at PSC sa ilalim ng Duterte administration?
I hope there will be a cordial relationship. Ayaw natin magkaroon ng conflict. We have to work hand-in-hand for the betterment of sports in the Philippines. Ang dasal ko ay magkaisa ang POC at PSC.
Ano ang masasabi mo tungkol kay POC president Peping Cojuangco?
Yung experience ko kay Cong. Peping is that dedicated siya sa sports. I don’t see any self-interest on his part. Ang gusto niya ay umangat ang kondisyon ng ating mga atleta. Yun ang nakikita ko sa kanya.
Marami ang nagpapanukala na alisin na ang PSC at palitan na ito ng Department of Sports. Ano ang masasabi mo dito?
Ako, kung ano ang makakabuti. Kung saan bubuti ang sports sa Pilipinas, dun ako. Pero dapat magkaroon ng thorough study on the issue. If we can work on what we have right now and provide the athletes what they need, then perhaps it will be better to just maintain the status quo.
Ano ang nakikita mong dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi pa nananalo ng medalyang ginto ang Pilipinas sa Olympics?
Malaking dahilan ang nationalism at attitude ng mga atleta. May mga atleta tayo dyan na magka-bronze medal lang, ok na. Hindi tulad dati. Build up natin yung sense of nationalism. Country first, above all. Interes ng bayan, bago ang lahat.
Ano ang gusto mong mangyari sa Philippine sports?
I want to see all our children get into sports. We should see the multiplier effect of sports. Yung mga bata malalayo sa droga through sports. And the values and discipline that sports teach the youth be better citizens. And of course a healthier citizenry means a healthier workforce. Yun ang multiplier effect.
Sa personal mong pananaw, may pag-asa pa bang umangat ang Philippine sports?
Yes, malaki. With the dedicated leadership of POC and PSC and with the full support of stakeholders, walang imposible. Sana pati mga parents ng athletes full support din to really help Philippine sports take off.