Lilia Cuntapay bibigyang-pugay sa Tunay Na Buhay

lilia cuntapay

BIBIGYANG-PUGAY ng Kapuso broadcast journalist na si Rhea Santos ang yumaong iconic actress na si Lilia Cuntapay ngayong Miyerkules sa Tunay na Buhay.

Tinaguriang Queen of Philippine Horror Movies si Nanay Lilia dahil sa kanyang pagganap sa halos 70 pelikula at palabas sa telebisyon bilang aswang, bruha, multo, at iba pang nakakatakot na nilalang.

Dalawang linggo matapos niyang manawagan sa mga katrabaho sa showbiz para sa kaniyang medication sa iniindang sakit sa spinal column, pumanaw na noong Sabado si Nanay Lilia sa edad na 81.

Muling balikan ang kuwento ng Tunay na Buhay ni Lilia Cuntapay ngayong Miyerkules, pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Read more...