KUNG ang pagbabasihan ay ang pagkakaroon ng sandamakmak na admirers at male fans, siguradong si Liza Soberano na ang mananalong Most Beautiful Woman sa local showbiz.
Ilang bloggers at online sites na ang nagbansag sa Kapamilya young actress bilang most beautiful faces in showbiz sa kanyang henerasyon. Imagine, kahit ang mga international singers na sina Charlie Puth at The Chainsmokers ay nabighani sa classic beauty ni Liza.
Sa guesting nina Liza at Enrique Gil sa Tonight With Boy Abunda para sa finale episode ng Dolce Amore, diretsong sinabi ni Boy Abunda na kahit siya ay gandang-ganda sa dalaga. Tila nahiya naman si Liza sa TV host sabay nag-thank you. Pero aniya, “I don’t know why, pero for some reason I don’t feel it (sobrang ganda). Iba kasi ‘yung definition ko of beauty, I guess.”
Binanggit ni Liza ang mga pangalan nina Kendall Jenner at Audrey Hepburn bilang mga idol niya sa kagandahan, yun daw ang perfect example ng genuine classic beauty, “I like the very simple type of beauty, but very elegant.”
Ayon pa kay Liza, nagpapasalamat siya sa lahat ng mga humahanga sa itsura niya pero sana raw hindi lang ito ang ma-appreciate ng nga tao sa kanya, “Minsan feeling ko, ‘yon lang ang nakikita e. I don’t want it to be like that.”