Lagot ka Enrique…Liza pinag-aagawan ng mga bigating singer

liza soberano

KAY haba talaga ng buhok nitong si Liza Soberano.

It appears na hindi lang ang international singer na si Charlie Puth ang may matinding tama sa kanya. Aba, pati ang The Chainsmokers na katatapos lang mag-show dito sa atin ay mukhang enamored sa dalaga.

“Going on the record. We are in a love triangle with @charlieputh.” ‘Yan ang nakalagay na post sa Twitter account ng the Chainsmokers.

Itsinika ni Charlie kung paano niya na-discover ang beauty ni Liza. Before his concert ay nasa hotel room siya watching a movie “Everyday I Love You” which featured Liza. He found her so cute that he invited Liza on Twitter to watch his concert. Sadly, the actress couldn’t make it.

Sumikat si Charlie sa kanyang hits na “One Call Away” and “Marvin Gaye”. Ang tanong, paano naman kaya na-discover ng The Chainsmokers ang beauty ni Liza. Bilib na kami kay Liza. Talagang humahataw siya sa admirers, ha. And mind you, international admirers at that.

Read more...