Onyok ibinuking ang relasyon nina Coco at Julia; ‘no comment’ naman kay Maja

coco martin at onyok

Photo courtesy of ABS-CBN Entertainment

WALA pa sa mood ang child actor na si Onyok o Xymon Ezekiel Pineda nang humarap sa grupo ng press last Sunday para ipakilala bilang endorser ng Hammerhead Kids.

Kinuha siyang modelo ng may-ari ng produkto na si Mario Ong dahil sa kasikatan niya ngayon at pagiging playful na bata. Habang nagpapainit, naglalaro muna ng iPad si Onyok kaya ang nanay niyang si Mary Ann ang kachika ng mga naimbitahang reporter. Sinabi niyang hiwalay na sila ng tatay ni Onyok.

Pero nahihiram din siya ng Papa niya. Nag-aaral ang bata sa Angelicum College tuwing Martes at Huwebes dahil taping days niya ang Monday, Wednesday at Friday. Home study ang bata kapag may taping.

Nagpasalamat naman si Onyok sa pagkuha sa kanya ng Sonic Apparel. Kuwento ng bata kapag may bago siyang project, lagi siyang kinakantiyawan ni Coco Martin na magpa-pizza. Tatlo na rin kasi ang commercials ni Onyok.

Alam din ng bata na may sarili na siyang pera dahil sa kanyang pagtatrabaho, “Nasa banko po. Nag-iipon din po ako sa alkansiya.” Hindi na raw siya bumibili ng toys, “Magastos po kasi,” rason niya.

Nakabili na siya ng sasakyang Ford Everest dahil sa teleserye at commercials. Dahil sikat na, pinagkakaguluhan na rin siya pag pumapasyal sa malls. “Minsan, may nagsasabi sa aking cute,” sey ng bata.

Inintriga din ang bagets kung totoo bang may tampuhan sina Coco at Maja Salvador. Umiling lang ang bagets at ayaw magsalita. Sundot na tanong kung sino ang girlfriend ngayon ng Kuya Coco niya? “Si Ate Julia (Montes)!” bisto ni Onyok. Sabad naman ng nanay, “Nakikita niya lang ‘yon sa Instagram ni Coco!”

Bakit niya nasabing si Julia? “Kasi po nakikita ko sa Instagram. Parang nakikita ko sa Instagram niya na nagkikita sila ni Julia!” diin ng bagets. “Sa show nila ‘yon sa Walang Hanggan,” sabi naman ng handler niya.

Nakapunta na raw siya sa bahay ni Coco. Tukso ng press, malapit din doon ang bahay ni Julia. “Baka naman hindi,” tugon ni Onyok. Anyway, umaasa ang owner ng Hammerhead na lalakas ang benta ng produkto nilang pambata ngayong si Onyok ang endorser nila lalo na sa Visayas at Mindanao kung saan malakas ang produkto nila.

Read more...