Beermen babawi laban sa Aces

PBA, fajardo, SMB

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. NLEX
vs Meralco
7 p.m. San Miguel Beer vs Alaska
Team Standings: TNT KaTropa (6-0); Ginebra (5-2); Mahindra (5-2); San Miguel Beer (4-2); Meralco (4-3); NLEX (3-3); Rain or Shine (3-3); GlobalPort (2-4); Alaska (2-4); Phoenix (2-4); Star (1-5); Blackwater (1-6)
APAT na koponan na pawang mga paborito bago magsimula ang torneyo ang maglalabo-labo ngayon sa pagpapatuloy ng PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

The San Miguel Beermen (4-2) at ang naghihingalong Alaska Aces (2-4) ang magtutuos alas-7 ng gabi habang magahaharap naman ang NLEX (3-3) at Meralco (4-3).
Maituturing na dehado ngayon ang San Miguel dahil ang import nitong si Arizona Reid ay may iniindang Achilles injury a
Galing ang San Miguel sa masaklap na kabiguan kontra GlobalPort noong Biernes sa at Ynares Center, Antipolo City at nangakong babawi kontra Alaska.
Bago pinaupo dahil sa injury ay umiskor pa ng 41 puntos si Reid para sa Beermen. Hindi pa matiyak kung makalalaro ang dating two-time Best Import awardee ng liga.
Kailangan ng San Miguel na manalo ngayon para manatiling nakadikit sa Barangay Ginebra at Mahindra sa ikalawang puwesto.
Sa panig ng Alaska, pakay nito ang manalo para maiwasang mapag-iwanan sa ilalim ng team standings.
Ang Aces ay may 2-4 kartada.
Samantala, tatangkain ng Meralco na makasungkit ng puwesto para sa quarterfinal round sa pagsagupa nito sa sister squad na NLEX dakong alas-4:15 ng hapon. —Inquirer

Read more...