SC pinahinto ang preparasyon para sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan

Bandera . Marcos 032310

PANSAMANTALANG pinahinto ng Korte Suprema ang preparasyon para sa pagpapalibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa en banc session kahapon, nagpalabas ang Kataastaasang Hukuman ng 20 araw na status quo ante (SQA) order at ipinagpaliban ang oral argument sa Agosto 31.

Tinatayang limang petisyon ang inihain para ipatigil ang libing ni Marcos na nakatakda sa Setyembre 18.

Iginiit ng mga nag-petisyon na paglabag sa Konstitusyon ang isinusulong na pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Iginiit nila na hindi naman maituturing si Marcos na isang bayani at sangkot sa mga paglabag sa karapatan ng mga tao, partikular noong panahon ng Martial Law.

Iginiit naman ng Office of the Solicitor General (OSG) na nasa batas ang papalibing sa dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani.
“Marcos was, in life, a President, Commander-in-Chief, retired military veteran and Medal of Valor awardee, and thus, may be interred at the Libingan,” sabi ni Solicitor General Jose Calida.

Idinagdag ni Calida na hindi naman tinuturing si Marcos na bayan.

“No amount of heartfelt eulogy, gun salutes, holy anointment, and elaborate procession and rituals can transmogrify the dark pages of history during Martial Law… The world has read and heard all of these,” ayon pa kay Calida.

Read more...