May BF na seaman

Sulat mula kay Joanne ng Poblacion II, Obrero, Butuan City

Dear Sir Greeenfield,
May boyfriend ako sa ngayon siya ay isang seman. Mag two-two years na ang relasyon namin at ang pangako nya sa akin pagbaba nya daw ng barko gusto nyang magpakasal na kami. Ang ganda ng mga pangako nya para sa future namin, kapag kasal na daw kami mag-iipon siya ng maraming-maraming pera para makapag-pagawa kami ng dream house sa isang exclusive subdivision. Kaya naisipan ko pong sumangguni sa inyo, gusto kong malaman kung sakaling magpapakasal ako sa kanya, magiging masuwerte kaya ang aming pamilya? At sa nakikita nyo sa aking palad at sa aming mga birthday, siya na kaya ang makakatuluyan ko? March 28, 1987 ang birthday ng boyfriend kong seaman at November 25, 1994 naman ang birthday ko.

Umaasa,
Joanne ng Butuan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung sino ang unang seryoso at totohanang boyfriend mo, tiyak ang magaganap, siya rin ang ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang maunlad at maligayang pamilya habang buhay.
Cartomancy:
Jack of Diamonds, Queen of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing susuwertehin ka sa pag-aasawa, at ang lahat ng pinapangako sa iyo ng boyfriend mo ay maaari ngang matupad at magkatatotoo na magsisimulang maganap sa taong 2019, sa edad mong 25 pataas.
Itutuloy….

Read more...