Horoscope, August 23, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: May oportyunidad ng paglalakbay na mabubuksan. Sunggaban agad. Sa pangingibang bansa, mas mabilis kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig tuloy pa rin ang pakikipag-relasyon sa isang Aquarius. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga.” Lilac at purple ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Pula ang mapalad. Magsuot lagi ng pula at makikita mo, susuwertehin ka! Kapag gumagamit ng pula, kusang mahihigop ang maraming pera. Sa pag-ibig, kapag nakasuot ka ng pula lalo kang gaganda. Mapalad ang 3, 15, 18, 24, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kashta-Kashta-Raga.” Bukod red ang pink at lilac ay buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Magtiwala sa kaibigang Capricorn, sa pamamagitan nya titiba kayo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, wag paghinalaaan ang kasuyo, sapagkat kung gagawa man siya ng kabalastugan, mas malamang na mauna ka pa. Mapalad ang 6, 15, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: Om-Padma-Aum-Purana.” Pink at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Kapag sinusuwerte ang mga Virgo susuwertehin ka rin, dahil pareho kayo ng ruling planet na Mercury. Panahon ngayon ng mga Virgo, kaya panahon mo rin. Sa pinansiyal at pag-ibig, dagdag na pag-unlad at ligaya ang makakamit. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Janna-Dipana-Om.” Silver at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kalakal na may kaugnayan sa pagkain ang dapat, sa nasabing negosyo uunlad at yayaman ka. Sa pag-ibig, laging magpasalamat sa kabutihang ipinapakita sa iyo ng isang Scorpio. Mapalad ang 7, 16, 57, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Green at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Negosyong may kaugnayan sa agrikultura at sa mga butil ang dapat simulan. Sa nasabing kalakal ka yayaman. Sa pag-ibig, tuloy ang magulong pakikipag-relasyon sa isang Aries. Mapalad ang 1, 17, 23, 28, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Polluseo-Palleo-Om.” Silver at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Dahil malapit na ang iyong kaarawan. Sa buwan ding ito, at sa susunod na buwan ng Setyembre, magsisimula ng dumami ang iyong pera. Sa pag-ibig, inip ng naghihintay ang isang Libra. Mapalad ang 7, 16, 21, 39, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Tetra-Aum-Malka.” Green at orange ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Isang nilalang na kayumangi na medyo matigas ang buhok ang dapat maging life time partner mo. Sa pinansyal at love life, kung ganyang nilalang ang iyong makakatuluyan, siguradong uunlad ka. Mapalad ang 5, 17, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Om.” Gold at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Hindi totoong masama kang magalit, ang totoo masama kang mag-mahal! Handa mong ubusin ang iyong salapi ng dahil lang sa pag-ibig. Hindi mo dapat gawin yan, dahil kung talagang gusto ka ng isang Aries, sa bandang huli kusa din siyang lalapit. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Om.” Red at black ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Bagong negosyo na may kaugnayan sa gamit sa katawan ang magbibigay ng pag-asenso. Sa pag-ibig, dispatsahin na ang lumang kasuyo, palitan ng bago na isinilang sa zodiac sign na Leo. Mapalad ang 4, 15, 22, 32, 37 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om.” Violet at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag malungkot. Huhupa din ang mga probema at muling makakarecover ang pinansyal na aspeto ng buhay. Sa pag-ibig, ituloy mo lang ang pakikipag-relasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 7, 18, 21, 24, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana”. Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi ang panlabas na anyo ang mahalaga kundi ang panloob. Kahit pangit ang kasuyo, suwerte ka pa rin dahil busilak naman ang kanyang puso. Sa pinansyal panatiliin ang ugaling “bukas-palad” upang lalo pang lumago ang kabuhayan. Mapalad ang 4, 8, 22, 34, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pinansyal, magkahalong suwerte at malas ang makakamit. Sa pag-ibig, sisisihin ka na naman ng kasuyo sa kasalanang hindi mo naman ginawa – wag sabayan ang kanyang galit! Mapalad ang 2, 19, 29, 33, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Green at gold ang buenas.

Read more...