Hunk actor ‘dinudugo’ sa taping ng teleserye

BLIND ITEM 0715

NAKAKALOKA ang tsika na never daw sumabay makipag-Inglisan ang isang hunk actor kapag breaktime niya with his co-stars sa taping ng kanilang programa.

Literal daw kasing nagkalat ang “conotic expressions and English idioms” courtesy of some lead cast members na first tongue na nga ang English.

Eh, sa naturang serye kung saan kasali si hunk actor ay Ingliserong sosyal ang drama niya dahil super rich nga ang kanyang role.

Bongga raw kung mag-deliver ng kanyang lines si hunk actor, pero kapag break time na ay iwas na iwas daw itong makipag-mingle with his co-stars dahil literal din siyang nauubusan ng sasabihin.

At madalas pa raw na lumalabas ang kanyang pagka-Bisaya sa ilang mga eksena. Sabi nga ng ating source, talagang dinudugo si aktor kapag sumasalang na sa kanyang mga eksena na may Inglisan.
Ay, markadong-markado ang hubog ng kanyang abs ngayon, ha! Ha-hahahaha!

Read more...