Julia Barretto sa bashers: Patutunayan kong mali sila!

julia barretto

UY, type namin ang i-pinapakitang tapang ngayon ni Julia Barretto, ha.

Sa social media nga niya sinagot ang kanyang bashers na nag-aakusa sa kanyang “tagasalo” na lang ng project ng paborito naming si Janella Salvador. Supposedly ay mayroong movie na gagawin si Janella pero mapupunta na nga ito kay Julia.

Sey ng maganda at palabang aktres sa nagtatanong sa kanya kung anong feeling niya about this issue, “It makes me feel motivated, to do good so I can prove the people who attack the same way you do, wrong. I feel motivated to keep going, keep pushing, keep trying until I become the person I have always dreamt myself to be.”

Sa dinami-dami na nga naman ng mga pinagdaanan ng magandang bagets sa loob lang ng ilang taon sa showbiz, it’s about time na maipakita niyang keri din niyang humilera sa mga tinaguriang prinsesa ng movie industry.

Read more...