Matteo kay Sarah: I think I found the one!

sarah geronimo at matteo guidicelli

“I think I found the one!” Ito ang diretsong sinabi ni Matteo Guidicelli tungkol sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo sa presscon ng bago niyang endorsement, ang Sun Life Asset Ma-nagement Company, Inc. (SLAMCI).

Ayon sa binata, lahat ng ginagawa niyang pag-iipon at pagnenegosyo ay para sa kanyang future at sa magiging asawa at mga anak niya. Kaya nga swak na swak ang pagpasok sa buhay niya ng Sun Life Asset Management dahil makakatulong ito ng malaki sa kanyang kinabukasan.

Kaliga na ni Matteo ang iba pang brand ambassadors ng Sun Life Financial na sina Piolo Pascual, Judy Ann Santos at Charo Santos-Concio. Si Matteo ang endorser ng Sun Life Financial’s Prosperity Card na isang uri ng investment kung saan maaari nang kumita ang inyong investment kahit sa halagang P5,000.

Inamin ng binata na kung minsan ay may pinagdaraanan din ang relasyon nila ni Sarah, “Walang 100 percent na love life. May mga ups and downs din, just like when investing your money. But at the end of the day, basta 100 percent masaya, approve tayo diyan,” aniya pa.

Read more...