PINATUNAYAN ng Kapuso hunk actor na si Aljur Abrenica na nag-level up na nga ang kanyang pagiging aktor. Totoo ang sinabi ni direk Gil Portes na nabigyan niya ng hustisya ang pagganap sa makulay ngunit madugong buhay ng isa ring maituturing bayani na si Apolinario dela Cruz.
Napanood na namin ang “Hermano Puli” sa ginanap na special screening nito kamakailan, at binati namin si Aljur pagkatapos dahil naging maganda ang resulta ng lahat ng pagod at pagsasakripisyo na ginawa niya para sa pelikula, pati na rin ng buong produksiyon.
Unang-una, maganda ang cinematography ng “Hermano Puli”, mapapanganga ka na lang sa kagandahan ng mga lugar sa Quezon kung saan kinunan ang halos kabuuan ng pelikula. Habang pinanood mo ito ay para ka na ring nabuhay noong panahon ng mga Kastila.
Panalo rin ang pagka-kabuo sa kuwento ng pelikula courtesy of its scriptwriter Eric Ramos, talagang makikisimpatya ka sa karakter ni Aljur bilang isang 19th Century preacher na pilit na ipinagla-laban ang itinayong religious group laban sa mga Kastila.
Magagaling ang lahat ng kasama sa movie, mula kina Markki Stroem, Enzo Pineda, Kiko Matos, Abel Estanislao hanggang sa mga kapatid niyang sina Vin at Allen Abrenica at sa leading lady niyang si Louise delos Reyes na siguradong tatatak din sa viewers. Ibang Louise delos Reyes kasi ang ipinakita ni direk Gil Portes sa nasabing pelikula, lalo na sa eksenang i-naakit na niya si Aljur para angkinin siya at kalimutan na ang pagpapari.
Tama rin ang sinabi ni Aljur na kapag napanood n’yo ang “Hermano Puli” na na-ging closing film nga sa kata-tapos lang na 2016 Cinemalaya Film Festival ay mapapaisip ka kung bakit kailangan siyang mamatay agad at iwan ang nasimulan niyang paki-kibaka.
Sabi nga ni Aljur sa isang panayam, “For me Hermano Puli is an eye opener, a hero and a good example for us. Kasi si Hermano Puli ang kauna-unahang Pilipino na lumaban sa mga Espanyol pagdating sa beliefs at pagmamahal sa kultura, pagmamahal sa bayan at sa Diyos.
“Our hopes are high. Ang mission lang naman namin dito is yung passion namin na makabuo ng magandang project yung magandang e-xample ni Hermano Puli,” pahabol pa ng binata. Kasama rin sa “Hermano Puli” sina Ross Pesigan, Menggie Cobarrubias, Elora Españo, Stella Cañete-Mendoza, Alvin Fortuna, Sue Prado, Simon Ibarra, Jun Nayra, Diva Montelaba at marami pang iba. This is under T-Rex Productions at showing na sa darating na Setyembre sa mga sinehan nationwide.
Narito naman ang ilang komento ng mga estudyanteng nakapanood na sa pelikula: “The movie flourished in its attempt to underscore the unbreakable Filipino spirit in the midst of injustice and suffering. The film succeeds not only in defining heroism and religious freedom but more importantly in moving its audience to celebrate the bold and steadfast faith of the Filipino,” ani Ann Gubat, History Teacher, Mirriam College, Middle School.
“The movie is a good material for Filipino students and scholars studying about the country’s history. In an industry wherein entertainment is valued higher than substance, this movie delivered substance in subtleties open for recognition and discovery to each scholar and academic who recognizes the pains and struggles of Hermano Puli, to enrich the heritage and culture of the now,” ani AJ Garchitorena, History Teacher, Mirriam College, Middle School.