Noy nangakong mananahimik ng 1 taon sa isyu ni Duterte

pnoy aquino

SINABI ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na hindi muna siya magkokomento sa klase ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duter hanggat hindi umaabot ng isang taon ang kanyang termino.
Idinagdag ni Aquino na tutuparin din niya ang kanyang pangako na hindi magbigay ng payo kay Duterte.
Ayon pa kay Aquino, nauunawaan niya kung gaano kahirap ang pagpapalakad ng bansa.
Sinabi pa ni Aquino na mas gaganda ang pamamalakad ni Duterte kung sanay na sa kanyang trabaho.
Pinangunahan ni Aquino ang paggunita sa ika-33 anibersaryo ng pagpanaw ng kanyang amang si dating Sen. Benigno Aquino II sa Manila Memorial Park sa Paranaque City.

Read more...