Kris: Sana irespeto n’yo ang magiging desisyon ko!

kris aquino
IDINAAN ni Kris Aquino sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang pagsagot sa kalat na kalat nang balita tungkol sa pagbabalik niya sa GMA 7.

Ayon sa chika, pumirma na ng exclusive contract ang TV host sa Triple A Management na pag-aari ni Mr. Antonio Tuviera, na siya ring nagpapatakbo ngayon sa career nina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Si Mr. T din ang may-ari ng APT Entertainment na siya ring nasa likod ng nangunguna pa ring noontime show sa bansa na Eat Bulaga. Ang APT din ang producer ng Sunday PinaSaya sa GMA.

Sa IG post ni Kris, tila nakiusap ito sa kanyang followers na irespeto kung anuman ang magiging desisyon niya in the future, lalo na ang tungkol sa kanyang career. Ayaw na rin daw niyang patulan ang kanyang bashers dahil nirerespeto rin niya ang opinyon ng mga ito.

“My family understood I needed some time to reflect and just be on my own…You all have a right to your opinions regarding decisions I’ve made & continue to make because you are all stakeholders in my career, and I need you.

“But I’ve also been praying that you will reciprocate the respect, I’ve tried my best to consistently give you by being a dedicated & passionate professional,” ani Kris.

Read more...