Sam: Dapat alam mong ipaglaban ang love!

sam milby at mari jasmin

KITANG-KITA sa aura ngayon ni Sam Milby ang sobrang kaligayahan dahil pagkalipas nga ng anim na taon ay nakita na niya ang babaeng magbibigay-kulay uli sa kanyang lovelife. Very open na ang binata sa relasyon nla ng TV host-model na si Mari Jasmine.

“I think when you’re in a relationship for such a long time, it’s hard kapag nag-break kayo kasi sobrang sanay kayo sa isa’t isa. I’m glad that I stayed single for so long para makilala ko ulit ang sarili ko, to appreciate myself as a person,” ani Sam.

Nakachika ng ilang miyembro ng entertainment press si Sam sa taping ng number one afternoon series ng ABS-CBN na Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes bilang sina Kara at Sarah.

Pero nakiusap si Sam na huwag na siyang pilitin na magdetalye tungkol kay Jasmine, “It’s obvious naman na lumalabas kami. We are seen in public places all the time. It’s an open thing. Bakit kailangang i-deny? I’ve actually wanted to share it before. I wanted to tell you guys about it but mas private person siya and I really respect that about her.”

Pag-amin pa ng binata, “There will always be yung mga away. There’s no perfect relationship. It’s just knowing how to fight for the relationship and for the love, just being mature.”

Hirit pa ni Sam sa relasyon nila ni Jasmine, “It just felt right. We have a lot in common also. It’s pretty much as simple as that. It just felt right.”

Samantala, mas naging close rin sina Sam at Julia ngayon dahil sa Doble Kara, isang taon na rin kasing umeere ang serye kaya mas matagal na rin ang kanilang pagsasama.

Bilib na bilib nga si Sam sa aktres dahil bukod daw sa pagiging mabait nito at very professional sa trabaho, wala rin daw itong arte at reklamo kahit na ang hirap-hirap ng mga ipinagagawa sa kanya sa Doble Kara.

Kuwento pa ni Sam, marami pang mangyayari sa kanilang serye kaya huwag na huwag daw kayong bibitiw. Sana nga raw umabot pa sila hanggang 2017 para everybody happy. Napapanood pa rin ang Doble Kara tuwing hapon pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

Read more...