Vice ikinumpara ang Pokemon Go sa lovelife, showbiz career

vice ganda

ADIK na adik na rin si Vice Ganda sa Pokemon Go – nasa level 9 na ng nasabing online/cellphone game ang TV host-comedian.

Ayon kay Vice, isa lang daw siya sa napakaraming celebrities ngayon na nahuhumaling sa paglalaro ng Pokemon Go. Napilitan na rin daw siyang maglaro nito dahil halos lahat ng kaibigan niya ay adik na rito.

“Kasi lahat naglalaro, lahat ng kasama ko naglalaro nakukulele na ang utak ko. Pag tapos na ang trabaho ko umiikot talaga ako sa kalsada yung mabagal ang sasakyan, sasabihin ko, ‘o hinto ka muna dito kasi may lure dito,’” ani Vice sa panayam ng ABS-CBN. Chika pa ng gay comedian, “Level 9 na ako meron na akong more than 100 Pokemon.”

Inamin din ni Vice na kahit paano’y apektado na rin ang daily routine niya simula nang ma-hook sa nasabing online game, “Sabi ko nga ang hirap mamili kung ano ang isa-sacrifice mo kung Pokemon Go o shopping. Parang love or career hindi mo alam kung ano ang ibibigay mo.”

Read more...