Appointment papers ng 4 PSC Commissioners kumpirmado na | Bandera

Appointment papers ng 4 PSC Commissioners kumpirmado na

Angelito Oredo - August 20, 2016 - 12:00 PM

MAKAKAPAGSIMULA na sa kani-kanilang trabaho ang apat na commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC) na sina Celia Kiram, Ramon Fernandez, Charles Maxey at Arnold Agustin matapos nilang matanggap ang appointment papers mula sa  Malacañang.

Matapos ang eksaktong 50 araw ay napasakamay ng apat na commissioner Biyernes ng umaga ang kani-kanilang appointment papers, ayon kay PSC Chairman William “Butch” Ramirez.

Agad ding nagsagawa ng meeting ang PSC Executive Board upang asikasuhin ang nabinbin nitong mga trabaho at proyekto.

Nakatakdang panumpain sa kanilang panunungkulan ang apat na commissioner na posibleng itakda sa Lunes matapos lamang makuha ang kani-kanilang mga appointment papers sa Malacañang.

Una nang nagtungo si Ramirez Lunes ng hapon sa Palasyo upang muling hilingin ang dokumento upang pormal na makapagsimula ng kanilang responsibilidad ang apat nitong napili na mga commissioners.

“Marami nang nabibinbin na trabaho,” sabi ni Ramirez, na una nang pinanumpa bilang PSC Chairman noong Hunyo 30. “Mabuti nga pumayag ang bangko na kahit isang pirma lamang ay maibigay nila ang suweldo ng mga empleyado at mga national athletes natin na binibigyan ng buwanan na allowance ng ahensiya.”

Una nang itinalaga ni Ramirez sa iba’t-ibang programa bilang kanilang responsibilidad ang apat na commissioner.

Ang dating PBA player at nakabase sa Cebu na si Fernandez ay binigyan ng responsibilidad na hawakan ang lahat ng development program sa Visayas pati na sa pamamahala sa Philippine National Games (PNG).

Ang dating pangulo ng pencak silat na si Kiram ang mamamahala sa Batang Pinoy program at grassroots project ng PSC pati sa pagsasagawa ng mga sports sa Autonomous Region of Muslim Mindanao at Zamboanga peninsula.

Itinalaga naman ang dating journalist na si Maxey sa pagbuhay sa Mindanao Friendship Games at pagrepresenta sa PSC sa implementasyon ng Palarong Pambansa pati na rin sa pakikipagrelasyon sa mga media.

Si Agustin, na dating namumuno sa PSC operations division, ay inatasan na mamahala sa mga pasilidad na nasa ilalim ng pagmamay-ari ng PSC tulad ng Rizal Memorial Sports Complex, PhilSports Arena, PSC training camp sa Teacher’s Camp sa Baguio City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama sa magiging trabaho ni Agustin ang pakikipag-koordinasyon sa Philspada o ang asosasyon para sa mga disabled athletes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending