Huwag i-video ang inyong pagtatalik

SA isyu ng pakikipagniig ni dating justice secretary at ngayon ay Sen. Leila de Lima sa kanyang driver, wala tayong pakialam dahil personal niyang buhay yan.

Pero paano nagkaroon ng bahay na dalawang palapag at bagong pintura ang driver na si Ronnie Palisoc Dayan sa kanyang kinikita bilang government employee?

Paano naipatayo ni Palisoc ang dalawang bungalow para sa kanyang mga anak na may mga asawa na?

Ang malaking bahay ay nasa malawak na lote na may tatlong motorsiklo at isang trak na nakaparada sa compound nito.

Isa sa dalawang bungalow ay may mga sports utility vehicle o SUV na nakaparada sa garahe.

Hindi naman multi-millionaire si De Lima nang siya’y mahirang na justice secretary kaya’t wala siyang pera para sa pagpapatayo ng tatlong bahay para kay Palisoc.

Kung totoo ang sinasabi ni Pangulong Digong na ang mga bahay ay katas ng drug money na ibinibigay ng mga convicted drug lords sa New Bilibid Prisons (NBP), De Lima is really in a big hole where it is hard to climb back.

Ang kanyang magiging depensa, kung sakali, ay pabulaanan ang mga reports na siya at si Palisoc ay magkalaguyo.

Maaari niyang sabihin na hindi niya alam ang pinaggagawa ng kanyang driver (sweet lover) nang ito’y nagmamaneho pa sa kanya.

Sinabi ni Manong Digong na taga-kolekta ni De Lima si Palisoc ng drug money sa mga convicted drug lords.

Kung sasabihin niya na ang mga ulat tungkol sa kanya at si Palisoc ay walang katotohanan, bakit sinasabi ng mga kapitbahay ni Palisoc sa Urbiztondo, Pangasinan na palagi silang nakikitang dalawa sa bahay ng driver?

At sabi ng report ng INQUIRER, sister newspaper ng Bandera, na nakikita sina Palisoc at De Lima na namamalengke pa sa bayan.

Maaaring sabihin ni De Lima na wala siyang re-
lasyon kay Palisoc at nagbabahay-bahayan lang sila sa bahay ng driver.

At paano maipaliliwanag ni De Lima ang babaeng kamukhang-kamukha niya na nakapatong sa isang lalaki sa isang sex video?

Kayong mga magkasintahan o mag-asawa man, huwag ninyong i-video ang inyong sarili na nagtatalik.
Bukod sa malaswang tingnan sa ano mang anggulo, ang sex ay sagrado at dapat ay tago.

Kung kayo’y mga aso, puwede sabihin na hindi ito malaswang tingnan dahil ang hayop ay walang pag-iisip.

Baka madisgrasya at mapasakamay ng ibang tao ang inyong sex video.

Kahit na kayo’y mag-asawa ay magiging tampulan kayo ng tsismis.

Mas lalo na kapag kayo’y magnobyo’t nobya pa lang, kawawa si babae.

Kayong mga kababaihan, huwag kayong papayag na mai-video ang
inyong pagtatalik sa inyong asawa o boyfriend.

Mas lalo na sa boyfriend dahil kapag nagkahiwalay kayo baka ibulgar nito ang inyong pagkakalantari at kayo’y magiging kawawa sa bandang huli.

Marami ng babaeng dumulog sa inyong lingkod sa “Isumbong mo kay Tulfo” matapos malaman na ikinalat ng kanilang mga dating nakarelasyon ang kanilang sex video.

OK, kung gusto ninyong tingnan ang inyong sarili habang nagtatalik, magpunta kayo sa motel na may salamin sa gilid at kisame.

At least, na-satisfy ninyo ang inyong pagiging voyeur (paninilip).

Pero huwag ninyong i-video ang inyong sarili dahil baka mag-leak ito sa publiko.

Read more...