Makakaahon pa ba sa kahirapan? (2) | Bandera

Makakaahon pa ba sa kahirapan? (2)

Joseph Greenfield - August 20, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula Elias ng Malitbog, New Corella, Davao del Norte
Problema:

1. Mahirap lang kami kaya sa ngayon namomroblema kami sa kung saan hahanap ng pera. Sa ngayon kasi tadtad kami ng utang kung saan-saang ahensya at tao, kaya marami ang naghahanap at naniningil sa akin. Hindi ko nga malamang kung saan ako magtatago. At bukod sa mabigat na problema sa pera may sakit pa ako sa ngayon.
2. Minsan naiisip kong tapusin na ang aking buhay, kaya lang naaawa naman ako sa aking mga anak na maiiwan ko at sa aking asawa. Sana matulungan nyo ako kung paano ko lulutasin ang problemang ito sa pera? At sa palagay nyo may pag-asa pa kaya kaming maka-ahon sa kahirapan? Kung mayroon pa sa paanong paraan po kaya? March 10, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Elias ng Davao del Norte

Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 2.) ang nagsasabing ang dalawang tao na tutulong sa inyong pamilya na binabanggit sa Cartomancy at Palmistry ay isinilang sa zodiac sign na Scorpio at Capricorn. Kung saan, mag-asawa sila at bukod sa tulong pang-pinansyal ang nasabing mag-asawa ay papahirapin pa kayo ng puhunan para sa negosyong may kaugnayan sa tindahan.

Numerology:
Ang birth date mong 10 ay nagsasabing bigla at malaking suwerte ang nakatakdang dumating sa buhay nyo sa taong ito ng 2016 sa buwan ng Setyembre sa edad mong 37 pataas.

Luscher Color Test:
Upang tuluyang matupad ang nasabing suwerte na binangit na sa itaas, lagi kang gumamit at mag-suot ng kulay na berde at dilaw. Ang nasabing kulay ang lalo pang magpapa-tingkad ng magagandang kapalaran at ng pag-unlad na paparating na sa inyong pamilya.

Huling payo at paalala:
Elias ayon sa iyong kapalaran sa taon ding ito ng 2016 sa darating na buwan ng Setyembre malulutas na rin ng kusa ang suliraning may kaugnayan pinansyal ng inyong pamilya. Tulad ng nasabi na, isang mag-asawa ang biglang dara-ting, kung saan, sila ang tutulong sa inyo upang maka-ahon na kayo sa mga pagkakautang at sa pamamagitan ng puhunan sa negosyong tindahan na kanilang imumungkahi sa inyo, tulad ng nasabi na, tuloy-tuloy ng uunlad at aasenso ang kabuhayan ng iyong pamilya hanggang sa tuluyan na kayong makaahon sa kahirapan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending