Sandra Cam sinabing madalas pumunta sa Bilibid ang driver ni De Lima

de-lima-31

IBINUNYAG ni dating “jueteng” whistleblower Sandra Cam na madalas umanong bumisita ang driver at umano’y lover ni Sen. Leila De Lima na si Ronnie Palisoc Dayan sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City para mangolekta ng pera mula sa mga high-profile na preso na sangkot sa droga.

Idinagdag ni Cam na base sa kanyang source, bagamat hindi niya pinangalanan, nangolekta si Dayan ng P5 milyon kada linggo mula sa mga drug lord mula sa NBP.

“Si lalaki, labas-masok ng BuCor (Bureau of Corrections), ‘yang si Ronnie Palisoc Dayan. Kumukuha siya ng pera sa mga drug lord sa loob (Ronnie Palisoc Dayan would frequently go inside BuCor to get money from drug lords),” sabi ni Cam sa panayam ng Radyo Inquirer 990AM.

Nauna nang tinawag ni Pangulong Duterte si De Lima na imoral matapos namang sabihin ang relasyon umano niya sa kanyang driver.

Noong 2014, tinutulan ni Cam ang kumpirmasyon ni De Lima bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ) dahil sa kanyang kontrobersiyal na pribadong buhay, kasama na ang kanyang pakikipagrelasyon sa kanyang driver na pamilyadong tao.

“After 2014, nag-raid raid siya (De Lima) sa Bilibid ‘di ba? Nalipat pa nga ang Bilibid 19 sa NBI (National Bureau of Investigation). Pero may isa siyang hindi dinala sa NBI, ‘yung commander ng Commando Gang si Jaybee Sebastian,” dagdag ni Cam.

Read more...