“What I did for love?”—hindi lang mga celebrity ang may karapatang sumagot sa tanong na ito.
Bawat isa, ke sa Baseco Compound ka nakatira o sa Forbes Park kaya o Ayala, Alabang, may kuwento kang matitisod na pag-ibig na gagawin lahat para sa kanyang minamahal.
I know Chiz personally. I have never had the chance of a single encounter with Heart and the only thing I know about her are the things I read in the papers, on line and interviews on television.
Di ko rin siya napapanood. Oo, not a Heart Evangelista fan.
Pero nang mabalita ang tungkol sa kanila ni Chiz, isa rin ako sa kinilig, natuwa.
May kakaiba silang dating na magbibigay sa iyo ng damdamin na okey silang tignan. Hawig pa! Yun bang tipong ganung first impression.Ugali naman ang tunggalian dito.
Asal na umano’y magaspang sa bahagi ng senador na hindi nagustuhan ng mga magulang ni Heart.
Bastos daw ang senador, hawak daw sa leeg ang kanilang anak.
O baka dahil sa hindi na nila mahawakan ang desisyon ng kanilang anak kaya sila ngayon ay pumapalag?
Kung sila ang may control dati, ngayon ay wala na.
Again perspectives ’ika nga.
Yun ang tingin nung kabilang kampo, eh paano kung yun din pala ang tingin ng isa pang kampo?
Ang katotohanan sa kwentong ito marahil ay ang lalaki ay isang elected public official at ngayon ay nanghihingi ng panibagong mandato sa taumbayan para sa panibagong termino sa Senado.
Para maglakas ng loob ang magulang ng babae sa kuwentong ito na sabihin ang kanilang karanasan sa lalaking mahal ng kanilang anak ay isang bagay na masasabing may malalim na pinaghuhugutan, may pinagmulan ika nga.
Mahirap na gawing haka-haka ang naramdaman batay sa karanasan.
Pero paano kung ang ugaling inaayawan ay nakasanayan na pala?
Non-conformist ika nga, out of the box, beyond the realms of societal expectations of what is good and what is bad?
Sa panig ni Chiz at ng mga magulang ni Heart…si Heart ang common ground, siya ang common interest.
Kung ang kanilang puso ay tunay na para kay Heart…magpaparaya ang bawat isa lalo.
Again, perspectives, sabi nga, walang tama o maling pagtingin, depende kung saan, sino ang tumitingin at sino ang nagsasalita.
Why devote a column to these two very showbiz issues? (Yung una ay kay Kris at James).
Totoong marami ang walang pakialam dito at totoong mas maraming isyu ang mas dapat na pag-usapan kaysa dito.
Pero minsan, ang mga usaping pampulitika, gaano man kalaki, ay hindi naman kumakatawan sa mga tunay na tunggalian sa tunay na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan.
Bukod sa usapin ng sikmura, ang usapin ng pag-ibig, ng relasyon, ito ang mga pang-araw-araw na binabaka ng mas maraming bilang ng mamamayan.
Usapang puso, usapang relasyon, usapang pag-ibig—ah great equalizer yan.