Buenas na mga numero: 30, 31, 1, 39, 12, 27

lotto for site

KUNG regular kang nakamonitor sa lotto results, kahit papaano ay malalaman mo kung anong mga numero ang masasabing buenas.

Buenas kasi hindi lang isa o dalawang beses ito nagsilabas sa mga bola.

Ito yung mga numerong aktibong-aktibo na tila nang-aakit na sila ang tayaan mong numero.

Sa ginawang pagkalap ng Bandera sa mga lumbas na winning combination sa bola sa iba’t ibang laro simula nitong Agosto 1 hanggang 15, may mga masisipag na numero na pwede mong bantayan.

ULTRA LOTTO 6/58
Apat na beses binola ang Ultra Lotto 6/58 mula Agosto 1 hanggang 15. Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Biyernes at Linggo lamang. Walang nanalo ng jackpot prize sa mga bolang ito.

Dalawang beses lumabas ang numero 30. Isang beses naman ang 1, 2, 5, 6, 8, 9, 14, 15, 17, 19, 25, 32, 33, 36, 39, 48, 50, 51, 52, 53, 54 at 55.

GRAND LOTTO 6/55

Walang tumama ng jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa mga bola nito mula Agosto 1 hanggang 15.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Tatlong beses lumabas ang 31, at 47. Dalawang beses lumabas ang numero 2, 20, 25, 28, 48, at 51.  Isang beses lumabas ang numero 1, 4, 6, 8, 9, 10, 11, 13, 15, 16, 17, 18, 23, 27, 29, 34, 36, 38, 40, 41, 43, 44, 52, at 55.

SUPER LOTTO 6/49

Anim na beses binola ang Super Lotto 6/49 mula Agosto 1 hanggang 15. Walang tumama ng jackpot prize sa mga bolang ito. Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Tatlong beses lumabas ang numero 1. Dalawang beses lumabas ang 7, 16, 17, 23 at 25.  Isang beses naman ang 2, 4, 9, 15, 18, 21, 22, 24, 26, 27, 28, 30, 31, 32, 33, 36, 38,
40, 41, 43, 45, 47 at 48.

MEGA LOTTO 6/45

Pitong beses binola ang Mega Lotto 6/45 mula Agosto 1 hanggang 15. Walang nanalo ng jackpot prize sa mga bola na ito na ginawa tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Apat na beses lumabas ang 39. Tatlong beses lumabas ang 17. Dalawang beses lumabas ang numero 5, 7, 9, 11, 16, 20, 25, at 40. Isang beses naman ang 1, 3, 13, 15, 19, 21, 23, 26, 27, 28, 29, 30, 31, 34, 35, 36, 41, 42, at 44.

LOTTO 6/42

Isa ang nanalo ng jackpot prize ng Lotto 6/42 mula Agosto 1 hanggang 15. Anim na beses itong binola. Nagkakahalaga ng P111.9 milyon ang jackpot prize na tinayaan sa Dasmarinas, Cavite. Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Tatlong beses ang numero 12. Dalawang beses lumabas ang 5, 14, 15, 27, 28, at 35. Isang beses lumabas ang numero 1, 2, 3, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 13, 17, 18, 22, 23, 26, 31, 33, 34, 37, 39 at 40.

Read more...