NATAGPUAN ng mga militar ang isa pang Indonesian national na nakatakas mula sa dumukot na Abu Sayyaf sa Sulu, noong Miyerkules ng hapon, ayon sa mga otoridad.
Sinabi ni Western Mindanao Command spokesperson Major Filemon Tan na nagpakilala ang biktima na Ismail, ang chief officer ng tugboat na “Charles.”
Si Ismail ay isa sa pitong miyembro ng crew ng tugboat na dinukot ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa karagatan ng Tawi-Tawi noong Hunyo 22.
“Military troops were scouring the area looking for other Indonesian hostages when they found Ismail who identified himself to the military as a kidnap victim,” sabi ni Tan.
Namamalagi ngayon si Ismail sa Joint Task Force Sulu para sa kaukulang pagsusuri bago ito ibigay sa mga otoridad ng Indonesia.
Noong Miyerkules ng umaga, nakatakas ang isa pang Indonesian national na si Mohammad Safyan, matapos itong matagpuan sa dalampasigan ng bayan ng Luuk sa Sulu matapos tumakas mula sa Abu Sayyaf.