‘Pondo sa sports hindi dapat sayangin’

NAIS ng isang solon na tigilan na ng gobyerno ang pagpapadala ng mga eskursyunista sa mga international sporting event na mas marami pa umano kung minsan kaysa sa mga lalabang atleta.

Ayon kay Pwersa ng Bayaning Atleta Rep. Jericho Jonas Nograles limitado na ang pondo ng gobyerno para sa sports kaya hindi ito dapat na masayang at dapat ay gamitin ng tama.

Dapat din umano na harapin natin ang katotohanan at huwag tayong magpadala ng mga kalahok kahit hindi pa handa ang mga ito.

“It’s just a waste of government funds and a source of national embarrassment. We should train them hard and deploy them only in these international sporting events when we know that they are ready.”

“We should not be sending athletes in international sporting competitions so that they can see the world or get some sort of international exposure. We send our athletes to win a medal. We should train our athletes properly and bring out the best in them but until then, we should stop wasting taxpayers’ money so they can have an excursion.”

Sinabi ni Nograles na dapat ang palakasin ng bansa ay ang larangan kung saan malaki ang tsansa natin na manalo sa halip na tumutok sa mga sport na nangangailangan ng tangkad.

“We are too much into sports like basketball, football and volleyball but it would require us a full genetic upgrade before we can truly excel in these types of sports. It’s entirely a different story however if we take part into endurance sports like marathon, or in weight-classed sports like boxing and weightlifting,” ani Nograles.

Hindi rin umano masyadong binibigyan ng pansin ang mga larangan na nangangailangan ng pagbalanse ng katawan kung saan maaari tayong manalo.

“Filipinos can do very well in archery, shooting, synchronized swimming, diving, athletics, golf, judo, taekwondo and other sports that doesn’t give advantage to taller and bigger players,” saad ng solon. “We should put our money on these kinds of sports.”

Read more...