Billy napiling mag-host ng Pinoy Boyband Superstar at Dancing With The Stars ng ABS

vhong navarro

Muling pumirma ng dalawang taong eksklusibong kontrata sina Vhong Navarro, John Prats at Billy Crawford sa Kapamilya network kamakailan. Nakatakdang gawin ni Vhong ang panibagong season ng Dance Kids habang patuloy siyang magho-host ng It’s Showtime.

Maliban naman sa kasalukuyang programa ni Pratty na Banana Sundae, patuloy pa rin siyang mapapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano. Samantala, si Billy ang napili ng management na maging host ng Pinoy Boyband Superstar at Dancing With The Stars.

Maliban sa ASAP at It’s Showtime, kasama pa rin sa mga proyekto ni Billy sa ABS-CBN ang susunod na season ng Your Face Sounds Familiar. Kasama sa pirmahan ng kontrata ang president at chief executive officer ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak, chief operating officer para sa Broadcast ng ABS-CBN na si Cory Vidanes, head of Finance for Broadcast and Integrated News and Current Affairs Cat Lopez, ang manager ni Vhong na si Chito Roño, at ang manager ni John at Billy na si Arnold Vegafria.

Read more...