Lea napa-wow sa seksing katawan ni Mega | Bandera

Lea napa-wow sa seksing katawan ni Mega

Ervin Santiago - August 18, 2016 - 12:43 AM

lea salonga

NAPA-WOW si Lea Salonga nang muli niyang makita ang kanyang fellow coach sa The Voice Kids na si Megastar Sharon Cuneta.

Kinumpirma ng international Pinay singer na napakalaki na ng ipinayat ni Sharonm matapos ang ilang linggong pagda-diet at pagwo-workout. Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Lea na nagtagumpay ang Megastar sa kanyang pagpapapayat matapos matanggal ang “considerable amount of weight” ng singer-actress-TV host.

“Yup, she lost weight. @sharon_cuneta12 has lost weight. A significant amount of weight. Wow!” tweet ni Lea kamakailan. Kamakailan, nag-promise si Sharon na ibabandera niya sa buong mundo ang resulta ng kanyang pagpapa-sexy sa grand finals ng The Voice Kids na magaganap na sa katapusan ng buwan.

Recorded na ang umeereng episodes ng The Voice Kids sa ABS-CBN kaya medyo malaki pa ang katawan ni Sharon.Kung merong na-excite sa bagong katawan ni Mega, meron pa ring nangnega sa kanya. Sabi ng ilang bashers, ilang beses na raw sinabi ng nanay ni KC Concepcion na payat na siya pero parang mas lumaki pa raw ang Kapamilya actress.

Pero nitong nakaraang Martes, muling nag-tweet si Mega matapos silang makapag-usap ng Star Cinema managing director na si Malou Santos. “Tita Malou Santos (my Star Cinema boss) visited me in my dressing room at ABS-CBN yesterday. Have to lose 10 more lbs (20 daw, I made.

“Tawad, & ok naman kasi the extra 10’s for allowance lang as we add 10+lbs on camera!). Shooting na after! So excited! Have a nice day, everyone!” magkasunod na tweet ni Sharon. Isang teleserye at pelikula ang nakatakdang gawin ni Mega sa ABS-CBN at Star Cinema.

Ayaw pa niyang banggitin kung sinu-sino ang makakasama niya sa nasabing proyekto pero nagbigay naman siya ng clue. Bukod daw sa isang male celebrity na na-miss niyang makasama, isang sikat na loveteam din ang napili ng network para makatrabaho niya.

Well, tulad nga ng lagi naming sinasabi, to see is to believe. Hangga’t hindi namin nakikita, hindi muna kami maniniwala kay Mega. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending