Enrique sa planong panliligaw ni Charlie Puth kay Liza: Hindi naman ako nagseselos!

enrique gil

“HINDI ako nagseselos!” Ito ang diretsong sinabi ni Enrique Gil nang tanungin ng ilang miyembro ng entertainment press tungkol sa nabalitang planong panliligaw ng international singer na si Charlie Puth kay Liza Soberano.

Ang paniwala ng followers ni Liza sa social media, tinamaan si Charlie Puth sa dalaga kaya gustung-gusto siya nitong makilala. Personal pa siyang inimbitahan ng singer na pumunta sa kanyang Manila concert recently. Hindi naman nakapunta si Liza dahil may prior commitment na ito. Dinenay din ng kampo ng dalaga na pinagbawalan ito ni Enrique na manood ng concert.

“Hindi naman (ako nagseselos), sanay na. ‘Yung friends nga niya sa The Vamps ganoon din, sanay na ako na pag may darating name-mention si Liza,” ang sabi ni Quen. Hirit pa niya sa panayam ng ABS-CBN, “It just goes to show na people appreciate Liza’s beauty and personality and it’s a good to know you have that somebody who’s close to you.”

Sa isang hiwalay na interview kay Liza sinabi nitong nakakataba ng puso ang ma-appreciate ng mga kilalang personalidad, “Nakaka-touch po pero nahihiya ako kapag inaasar ako ng mga tao, ayaw ko lang po ‘yung feeling na ganu’n, awakward.”

Malapit nang matapos ang telerserye nilang Dolce Amore sa Primetime Bida ng ABS-CBN, “Actually hindi ko pa napi-feel eh, kasi we’re taping pa. Siguro pag ilang days na lang ‘yung mga eksena na alam mo na papunta sa dulo, don mo na mafe-feel na ilang araw na lang di na ako si Tenten.

“It’s sad siyempre sa tagal na nagsama kayo with all the team, we fall in love with the characters, with the people. Para siyang Forevermore dati, they became a family na to us,” sabi pa ng binata. For her part, Liza admitted na medyo nalulungkot siya sa pagtatapos ng kanilang serye, “Ako po usually nararamdaman ko pa ‘yung sepanx the next Monday after the show.

Kasi parang paggising mo ng Monday parang wala ka ng gagawin, hindi ka na gigising ng maaga para maligo at pumunta ng taping.  “Tapos the whole week hinahanap mo na ‘yung taping kasi nakasanayan na ng body namin na gumising ng maaga,” dagdag pa niya sa nasabing panayam.

Read more...