Justin Bieber napilitang i-delete ang Instagram account dahil sa Bashers; Selena nag-sorry sa ex

justin bieber

NAPILITANG i-deactivate ng international Popstar na si Justin Bieber ang kanyang Instagram account dahil sa pamba-bash sa kanyang ng netizens.

Nag-ugat ang walang patumanggang pang-ookray at pambabastos kay Justin sa IG matapos mabalita na nagde-date na sila ni Sofia Richie, anak ng international veteran singer na si Lionel Richie. Meron nang mahigit na 77 million followers si Justin sa Instagram ngunit hindi nanghinayang ang singer na i-delete ang kanyang account dahil na rin sa matinding pamba-bash sa kanya at kay Sofia.

Bago ito, nagbanta pa si Justin sa kanyang followers, “I’m gonna make my Instagram private if you guys don’t stop the hate. This is getting out of hand, if you guys are really fans you wouldn’t be so mean to people that I like.”

Habang isinusulat namin ang balitang ito, wala pa ring official statement si Justin sa pagka-deactivate ng kanyang IG account. Kapag binuksan mo ang nasabing account, lumalabas ang mensaheng: “Sorry, this page isn’t available.”

Karaniwang mababasa ang nasabing message kapag hindi na existing ang account at kapag personal itong binura ng may-ari. Mas lalo pang uminit ang isyu nang mag-post ng mensahe ang former girlfriend ni Justin na si Selena Gomez. Sey ng singer, “If you can’t handle the hate then stop posting pictures of your girlfriend lol – it should be special between you two only. Don’t be mad at your fans.

They love you.” Na sinagot naman ni Justin ng, “It’s funny to see people that used me for attention and still try to point the finger this way. Sad. All love.” Ngunit ilang oras lang matapos mag-post sa IG si Selena, nag-sorry agad ito sa ex-BF via Snapchat, “What I said was selfish and pointless.”

Kamakailan, naging usap-usapan din ang kumalat na mga hubo’t hubad na litrato ni Justin kung saan kitang-kita nga ang kanyang pagkalalaki. Walang hiya-hiyang inirampa ni Justin ang kanyang hubad na katawan na puro tattoo.

Read more...