Heart naka-feel ng maagang Pasko sa taping ng ‘Juan Happy Love Story’

heart evangelista

TILA maagang dumating ang Pasko para sa Juan Happy Love Story lead actress na si Heart Evangelista-Escudero dahil since day one ng kanyang primetime series ay pataas nang pataas ang nakukuha nitong rating sa GMA Telebabad.

Patuloy ding na umaani ng positive feedback mula sa netizens at viewers si Heart dahil sa kanyang role sa serye. Kaya naman, isang grateful Heart ang nag-share ng kanyang feelings sa Instagram. Sa isang photo kung saan magkasama sila ng kanyang leading man sa serye na si Dennis Trillo, nilagyan ito ng aktres ng caption na: “Parang early Christmas naman ang feeling!!!! Maraming salamat sa mataas na ratings. Di niyo kami iniwan pero si Juan ano na?!

“I love you guys! A BIG thank you for the love and support! You made me fall in love with what I do all over again,” sabi pa ni Heart. Patuloy na nagdudulot ng good vibes ang serye gabi-gabi at tinututukan talaga ang love story nina Juan (Dennis) at Happy (Heart).

At sa pagpapatuloy nga ng kuwento ng Juan Happy Love Story ngayong gabi, pagsasabihan ni Isay si Happy na huwag agad maniniwala kay Juan. Malamang daw binobola lang siya nito. Pero sina Henry at Joy kumampi kay Juan. They believe na nagbago na talaga ito. Malilito tuloy si Happy sa takbo ng usapan ng pamilya.

Later that night, makikita ni Happy si Juan sa labas ng townhouse na may kasamang banda. Kakanta si Juan. Matutuwa si Happy at bababain niya ang nakahiwalay na asawa. Sa street, lalabas ng gate niya si Agatha (Kim Domingo). Mapapasimangot siya sa nakita.

Just then, may dadaring na dalawang tanod para sitahin si Juan. Malalaman nilang si Agatha pala ang nag-utos no’n. Magkasama sina Isay at Mameng. Hindi pa rin convinced si Isay na nagbago na si Juan. Nag-devise si Isay ng scheme para mapatunayan kung nagbago na talaga si Juan.

Nagtagpo sina Henry at Juan sa car shop. Juan says na good boy na talaga siya. Hindi na siya madaling matukso ng ibang mga babae. Just then, may dadating na maganda’t seksing babae – si Sabina. Manlalaki ang mga mata nina Henry at Juan. She tells them na she’s there to offer them spare parts for cars.

But Juan tells her na may supplier na sila. Saka naman bubukaka si Sabina at uupo ng padekwatro. Wala itong underwear. Mapapanganga na lang si Juan. Iiwas agad siya ng tingin. He tells her she can go now. Sabina feels challenged to go after Juan.

Sasabihan ni Kyle si Juan na bumababa ang sales nila by 50%. Juan assures him na may darating na suwerte. Saka naman darating si Sabina to tell him na gusto niyang mag-test drive ng sasakyan with Juan. Pero tatanggi ang lalaki. Kyle tells him na huwag bugawin ang suwerte.

Nasa highway na sina Juan at Sabina. Biglang tatawag si Happy at maririnig niya ang pagbungisngis ng boses ng babae sa tabi ni Juan. May ginagawa na palang milagro si Sabina kay Juan sa loob ng kotse.

Read more...