Yassi bagong ka-loveteam ni Coco sa Probinsyano?

yassi pressman

Lumabas na ang karakter ni Yassi Pressman bilang reporter sa FPJ’s Ang Probinsyano noong Martes ng gabi at iisa ang tanong sa amin ng mga nakatutok sa serye: “Si Yassi na ba ang kapalit ni Maja Salvador?”

Nagpaalam na kamakailan si Maja sa Ang Probinsyano at sa pagpasok ni Yassi ay hindi maiiwasang isipin na siya na nga ang ipinalit. Feeling namin, idinagdag lang si Yassi dahil hindi naman sila pareho ni Maja ng papel sa kuwento.

At nu’ng una naming malaman kung ano ang magiging papel ni Yassi ay sinabi namin sa kausap namin na, “Tama lang ang papel ni Yassi, kasi saan ka nakakita ng maraming krimeng nagaganap, e, wala man lang reporter sa venue? O walang nagpa-follow-up sa kaso?”

Nang huling makausap namin si Yassi sa “Camp Sawi” presscon ay talagang kitang-kita sa mukha niya ang kaligayahan sa bagong project niya sa ABS-CBN at maski na gustung-gusto niyang magkuwento ay hindi niya magawa dahil bawal daw.

“Pinapanood ko lang, tapos…” natatawang sabi ng aktres na hindi na itinuloy ang pagkukuwento dahil bawal nga raw. Samantala, may nagtanong naman sa amin na lagi ring nakatutok sa Ang Probinsyano, “Si Yassi na ba ang magiging ka-loveteam ni Coco? Mahilig kasi siya sa tisay, di ba? Tulad ni Julia Montes na tisay na tisay talaga.”

Read more...