Pokemon Go pwedeng pagkakitaan

  pokemon
Maaaring pagkakitaan ang Pokemon Go.
     Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda nauuso na ang mga Pokemon Tour kung saan dinadala ng mga Pokemon player sa mga lugar kung saan maraming mahuhuling Pokemon character.
     “Kung iisipin nga kung properly organized it offers a patok na pangkabuhayan e pwede ka mag-Poke tours,” ani Salceda.
     Sinabi ni Salceda na maaaring maglagay ng mga Pokemon stop ang Department of Tourism sa mga lugar kung saan maraming Pokemon.
     Maaari rin umanong maging mga tour guide ang mga Pokemon master na makakapagbigay din ng tutorial sa mga nais na matuto na maglaro nito.
     Inamin naman si Salceda na kahit na siya ay naglalaro ng Pokemon Go at Level 22 na siya.
     Ang flag pole ng Kamara de Representantes ay matatagpuan ang isa sa mga Pokemon Gym.

Read more...