ex-mayor hinatulan ng 135 taong kulong

sandiganbayan
Hinatulang makulong ng 135 taon ng Sandiganbayan Second Division ang dating mayor sa Albay kaugnay ng 17 kaso ng malversation of public fund na kinaharap nito.
    Si ex-Guinobatan Mayor Juan Rivera ay makukulong ng matagal dahil sa 17 cash advance na hindi nito na-liquidate mula Hunyo 1998 hanggang Abril 2001 na nagkakahalaga ng P357,956.08.
     Ang mga cash advance ay ginamit umano sa biyahe, rehistro ng mga sasakyan ng gobyerno at mga proyekto ng munisipyo.
     “Said cash advances were obtained from 1998 to 2001. The said cash advances remain unliquidated as of August 31, 2004, when the demand letter was sent. Irrefutably, the accused failed to liquidate his cash advances within the period required by the rules,” saad ng desisyon ng Sandiganbayan.
     Sa kanyang depensa, sinabi ni Rivera na hindi niya tinanggap ang mga tseke para sa cash advance at ang municipal treasurer ang nag-encash nito.
     “The court finds the accused’s defense unavailing. The accused’s denial of receiving the proceeds of his cash advances is patently a mere afterthought. He did not raise this at the earliest opportunity which does not augur well with ordinary human experience,” saad g desisyon.
     Si Rivera ay hinatulan ng 11 na 10 taong pagkakakulong, tatlo na anim na taong pagkakakulong, tatlo na dalawang at apat na buwang pagkakakulong o kabuuang 135 taon.
      Pinababayaran din sa kanya ang P302,956 multa at ang gastos sa pagdinig. Pinagbabawalan na rin siyang tumakbo sa halalan.

Read more...