Kontrobersyal na buhay ni Claudine isasalin sa libro

claudine barretto

BUMUNGAD sa amin pagpasok sa Le Reve Event’s Place kung saan ginanap ang presscon ng “Camp Sawi” na latest movie ng Viva Films at N2 ang dating Star Magic talent na si Cholo Barretto.

Katabi niya ang isa sa producers ng “Camp Sawi” at long-time friend ni Cholo na si Neil Arce. Ang “Camp Sawi” ay pinagbibidahan nina Andi Eigenmann, Bella padilla, Yassi pressman, Kim Molina and Arci Muñoz with Sam Milby written and directed by Irene Villamor. Showing na ito sa Aug. 24.

Baklang sawi ang role ni Cholo sa movie. Although, this is the fourth time na gumanap siya bilang gay sa movie, sobrang nahirapan siya sa pagganap.

“Ito ang pinakamahirap kasi hindi siya loud na gay. Mahirap i-portray na hindi loud lalo na for cinematic purposes. Nai-tweak na lang sa pananamit. Nagpa-wax ako rito ng legs hanggang chest, masakit! Ang hirap palang maging babae,” arya ni Cholo.

On a personal level, okey naman daw si Cholo kahit wala siyang girlfriend ngayon, “Steady lang. Ako lang mag-isa. Naghahanap na lang muna. Ayoko na munang masaktan,” may hugot na sabi niya.

Siyempre, hindi namin nakalimutang itanong kay Cholo ang kanyang controvesial titas na sina Gretchen, Marjorie and Claudine Barretto.

“Hindi ko po alam sa kanila,” nakangiting sabi ni Cholo. “Pero nagkikita-kita naman kami minsan. Dinadalaw ko sila. Si Claudine okey naman siya ngayon. Meron daw mga naka-line-up na projects sa kanya. Nakukwento niya sa akin. Pero hindi lang alam kung ano ang uunahin.”

One of the things that keeps Claudine busy now ay ang ginagawang libro about her life na ipa-publish ng Viva Publishing. Ang tanong lahat kaya ng nangyari sa kontrobersyal na buhay ng aktres ay ilalagay sa nasabing libro?

Read more...