Randy tinanggihan ang tulong ni Willie para sa anak na may sakit

randy santiago at willie revillame

HIGH na high ang energy ni Willie Revillame sa second taping ng Wowowin after makuha sa unang pagkakataon ang mega jackpot prize sa main game ng kanyang programa sa GMA last week.

Winner ang half-Pinay, half-British na si Shayne Jones na five years nang naninirahan sa resettlement area sa Laguna.

Kwento ni Shayne, matagal na nilang gustong umalis sa kanilang tinitirhan dahil meron na raw nagtangkang pasukin sila sa loob ng bahay ng masasamang loob. May mga araw din na hindi sila kumakain ng kanyang ina.

Pero may talent pala talaga sa pagkanta si Shayne bukod sa maganda, huh! Madalas na pala siyang sumali sa mga singing contest at nakapag-uwi na ng mga tropeo. No wonder naiisip din niya na subukan ang pag-aartista.

Ngayon pa lang ay laman na ng entertainment news si Shayne lalo pa’t she mentioned na type niya ang abs ng Kapuso talent na si Jak Roberto. Kapag nagkataon, pwedeng maging AlDub loveteam ng Wowowin sina Jak at Shayne.

At pagkatapos, posible ring matupad sa Wowowin ang isa pa niyang pangarap – ang makita ang kanyang British father. Parang Kalyeserye lang ng Eat Bulaga ang peg, ‘di ba? Bonggang-bongga pa rin ang rating ngayon ng Wowowin. At dahil diyan, agad-agad ay in-announce ni Willie na ibabalik na rin nila ang “Will of Fortune.”

Plus of course, malaking bagay din sa magandang turn-out ng show ngayon ay ang director ng show na si Rowell Santiago. Alam naman ng marami kung gaano kahusay na director ng malalaking concerts si Rowell. What more ang isang game show, ‘di ba?  Actually, naghalinhinan sila ng kapatid niyang si Randy Santiago sa pagdidirek ng Wowowin.

Nagkataon kasi na may pinagdadaanan sa kanyang personal life si Randy kaya si Rowell muna ang pinakiusapan nila na pansamantalang humalili sa kanya. At pag okey na si Randy, babalik siya sa programa.

Sa mga hindi nakakaalam, inilabas na nina Randy sa ospital ang anak niya na si Ryan. Dinapuan ng matinding karamdaman si Ryan. Pero may biglang pangyayari na connected sa kanyang dating sakit ang dahilan kaya ibinalik siya sa ospital recently.

More or less three months nasa ospital ang anak ni Randy. Kaya malaking halaga na rin ang nagagastos nila para sa pagpapadoktor ng kanyang anak. Keri pa rin naman daw nila ang gastos dahil kahit paano marami pa ring raket si Randy in and out of the country gaya na lang nu’ng nakasama namin siya sa Carrascal Fiesta sa Surigao del Sur last month.

On the night na magpe-perform siya sa Carrascal, that was also the time na ilalabas ng ospital ang kanyang anak. The show must go on for him kahit na feeling dapat-andoon-ako ng isang ama ang kimkim niya sa kanyang puso.

Nag-offer na raw ng support sa kanya si Willie. Pero si Randy na ang tumanggi at sinabi raw ni Willie na anytime nandiyan lang siya to help. That’s what friends are for, ‘di ba?

Read more...