KINANSELA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbisita sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan dahil sa masamang panahon.
Ayon sa abiso ng Palasyo, zero visibility kayat hindi makakalipad ang helicopter na magdadala sana kay Duterte sa Camp Tecson kung saan nag-antay naman ang mga sundalo sa kanyang pagdating.
Nasa Camp Tecson na rin ang mga miyembro ng media na magko-cover sana ng aktibidad ng pangulo.
Iniisa-isang ikutin ni Duterte ang mga kampo ng militar.
MOST READ
LATEST STORIES