Korte pinayagan makapagpiyansa ang 3 consultant ng NDF

National-Democratic-Front

PINAYAGAN ng Taguig City Regional Trial Court ang pansamantalang kalayaan ng tatlong consultant ng  National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na lalahok sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa Oslo, Norway.

Inatasan sina Tirso Alcantara, Alan Jasminez at Ernesto Lorenzo na magpiyansa ng P100,000 matapos ang omnibus order ng Taguig RTC Branch 271.

Idinagdag ng korte na pumayag ang  Office of the Prosecutor na sila ay palayain para sa usapang pangkapayapaan.

Bukod sa P100,000, kabilang sa mga kondisyon ay ang kanselasyon ng piyansa matapos ang peace talks at pagbabalik matapos ang anim na buwan ng usapang pangkapayapaan.

Read more...