Bianca Gonzales tinawag na ‘walang kwentang artista’

bianca gonzales

HINDI pinalagpas ni Bianca Gonzalez ang isang basher na tumawag sa kanya ng “walang kwentang artista”. Ito’y matapos ngang kumontra ang TV host sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Nag-comment ang isang follower ni Bianca at nagsabing, “Mag-PBB ka na lang Ate Bianca, baka matulad ka kay Mr. Paredes ‘walang kwentang artista.’”

Sagot naman ni Bianca, “Batang bata ka pa at marami ka pang kailangan malaman at intindihin sa mundo, yan ang totoo.” Dugtong pa niya, “May iba talaga lakas ng loob magtweet, pero pag sinagot mo, magde-delete or mag-private!”

Read more...