Zanjoe sa relasyong Bea-Gerald: Mabuti naman yun para sa kanila!

zanjoe bea gerald

SA nakaraang presscon pa rin ng Tubig At Langis, natanong ang male lead star ng programa na si Zanjoe Marudo tungkol sa estado ng puso niya ngayon. Ayon sa binata, masaya raw siya ngayon kahit single.

“Yung estado ng puso ko masasabi kong masaya, masayang-masaya. At ako ngayon ayaw kong i-pressure ‘yung sarili ko sa kahit anong bagay kasi sa ngayon committed ako sa sarili ko, sa trabaho ko, sa family,” aniya.

Nang hingan ng reaksiyon tungkol sa posibleng pakikipagbalikan ng ex-girlfriend niyang si Bea Alonzo kay Gerald Anderson, sagot ni Zanjoe, “Mabuti ‘yun para sa kanila. Kung meron man silang nararamdaman ngayon maganda ‘yun para sa kanila di ba?

“Parang kapag pag-uusapan mo ‘yung nakaraan nila di ba parang medyo mahirap ‘yung pinagdaanan nila. At mabuti ‘yun at least open sila, makakagalaw sila, lahat ng pwede nilang gawin, pwede nilang gawin,” chika pa ng Kapamilya actor.

Pero meron pa ba siyang feelings para kay Bea? “Ngayon wala na. Masasabi ko na talaga parang okay na ako, okay naman ako. Tsaka okay naman kami (ni Bea), pag nagkikita kami sa mga event nagpapansinan kami. Friends, parang ganon, parang normal na single.”

READ NEXT
Detachment
Read more...