Sarah G pinagbawalang makita si Matteo bago pumunta ng Europe?

sarah geronimo at matteo guidicelli

PINANININDIGAN ng aming ka-Chismacker na sa cellphone lang nagkausap sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, bago lumipad patungong Europe ang Pop Princess, kasama ang parents nito for a vacation.

Two months ang napabalitang bakasyon nina Sarah sa Europe, kasama na nga rito ang pagdalaw sa mga kapatid ng singer-actress na pinag-aaral niya sa ibang bansa.

Hindi lang kami sure kung totoong nagkita sina Sarah at Matteo sa Japan (dahil may kapatid daw si Sarah na doon nag-aaral, tama ba?). Nag-show kasi si Matteo sa Japan recently for DZMM caravan.

Basta ang totoo raw, hindi na nagkita nang personal ang magdyowa bago umalis si Sarah patungong Europe, nagkasya na raw ang dalawa sa pag-uusap sa telepono.

Yes, nag-kiss naman daw ang magdyowa at nagkapalitan ng sweet messages pero through video calling lang daw. How said, ‘no! Not sure lang kung pinagbawalan ba silang magkita bago umalis si Sarah.

Read more...