Lovi, Tom, Max nag-bonding sa Ilocos Sur

lovi poe at tom rodriguez

BUMIYAHE patungong Ilocos Sur ang cast ng pinakabagong primetime series ng GMA 7 na Someone To Watch Over Me. Sa makasaysayang lungsod ng Vigan sila nag-taping para sa ilang mahahalagang eksena ng serye na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Tom Rodriguez, Max Collins sa ilalim ng direksyon ni Maryo J. Delos Reyes.

Base sa Instagram posts nina Lovi at Max, makikitang nag-enjoy talaga sila sa pagbisita sa iba’t ibang tourist spots sa probinsya kasama ang buong production team kung saan kinunan ang mga importanteng eksena sa programa. Kasama rin nila sa Vigan sina Isay Sena, Ronnie Lazaro, Boy 2 Quizon, Frances Makil at Edu Manzano na babalik nga sa pag-arte matapos ang ilang taon.

Tatalakayin sa kwento ng Someone To Watch Over Me ang kuwento ng isang lalaking may Alzheimer’s Disease.

Read more...