Vina Morales ‘no comment’ na sa kaso nila ni Cedric Lee

vina morales

NATAWA si Vina Morales sa naririnig niyang komento na kinikilig ang viewers sa kanila ni Ariel Rivera sa seryeng Born For You nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Mas may chemistry pa raw kasi ang dalawa kumpara kina Ariel at Ayen Munji-Laurel na gumaganap na asawa ng aktor sa serye. Kaya bukod kina Elmo as Kevin at Janella as Sam na kinakikiligan ng manonood ay winner din ang tambalan nina Ariel at Vina.

Kaswal na reaksyon ng aktres nang makapalitan namin ng mensahe kahapon, “Ha-hahaha! Oo nga raw, may chemistry kami sa screen.”

Sobrang busy ngayon ni Vina dahil pinagsasabay nga niya ang career at negosyo, bukod pa sa pag-aalaga sa kanyang anak, “Busy with tapings for Born For You, tapos maraming out of the country shows sa TFC, sobrang daming blessings Reggs, kaya walang dapat ipagreklamo,” pahayag ng singer-actress.

Pero hindi raw kasama si Vina sa “ASAP In NYC” (New York City) sa darating na Setyembre dahil may prior commitment siya.

At tungkol naman sa anak na si Ceana, very supportive raw sa kanya ang anak at naiintindihan nito ang kanyang trabaho. Palagi niyang sinasabi sa anak na ginagawa niya ang lahat ng ito para sa future nila.

Samantala, ayaw nang magbigay ng update ni Vina tungkol sa kaso nila ni Cedric Lee, “No comment muna ako, nasa Fiscal na naman ang kaso.”

Read more...