Bukod sa buwanang perang matatanggap, may inilaang bigas ang Duterte government sa mga benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer Program.
Ayon sa isinumiteng panukalang P3.35 trilyong budget para sa 2017 ng Department of Budget, may nakalaang P78.7 bilyon para sa CCT na paghahati-hatian ng P4.62 milyong pamilya.
At kasama sa pondong ito ang P23.4 bilyong rice allowance para sa 3 milyong benepisyaryo na ng CCT.
Ang CCT ay nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development na makatatanggap ng P129.9 bilyon sa susunod na taon.
Mayroon ding nakalaang P7.3 bilyon para sa relokasyon ng mga informal settlers para sa North-South Railway Project.
May 12.6 bilyon naman ang National Housing Authority para sa relokasyon ng mga informal settlers na nakatira sa mga danger zone at daraanan ng mga infrastructure project ng gobyerno.
May P1.7 bilyon naman para sa Socialized Housing Finance Corp., at National Home Mortgage Finance Corp., para magkaroon ng sariling bahay ang maraming pamilya.
Pitong bilyon ang inilaan ng gobyerno para sa pagkuha ng 435 doktor, 15,321 nurse, 3,100 midwife, at 243 dentista na ipadadala sa mga rural areas.
May P4.3 bilyon namang ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Law.
Labing anim na Drug Abuse Treatment and Rehabilitation ang ipatatayo at ipapaayos sa susunod na taon. Kasama ang pondo nila sa P21.9 bilyong nakalaan para sa mga health facilities.
Naglaan naman ang gobyerno ng P75.8 bilyon para sa flood control system sa buong bansa.
MOST READ
LATEST STORIES