Nangangarap makapag-asawa ng foreigner? | Bandera

Nangangarap makapag-asawa ng foreigner?

Joseph Greenfield - August 15, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Mhelay ng Blumentritt, Murcia, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
May nakilala po akong foreigner ng minsang may namasyal dito sa Negros. At naging kaibigan ko po siya at di nagtagal naging kami at naibigay ko sa kanya ang aking pagkababae.
Makalipas ang ilang buwan na pamamalagi nya sa atin umuwi na siya ng Australia. At mula noon sa cell phone at sa chat na lang kami nagkakausap. May pangako siya sa akin na babalikan nya ako at isasama sa Australia at pagkatapos ay magpapakasal na daw kami. Pero mag-iisang taon na ang lumilipas hindi pa din siya bumabalik at ang lagi nyang sinasabi ay “busy” pa daw siya sa kanyang business. Ang gusto ko lang malaman ay kung totohanin kaya niya ang kanyang pangako na babalikan nya ako, isasama sa Australia? Nasa kapalaran ko po ba ang makapag-asasawa ng isang foreigner, pangarap ko kasi ito maliit na bata palang ako? August 14, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Mhelay ng Negros  Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May napaklinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, magkakatotoo ang pangako sa iyo ng boyfriend mong Australiano, babalikan ka nya at t sa bandang huli ay sa Australia na maninirahan at bubuo ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Nine of Diamonds, Ace of Hearts at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2016 sa Setyembre o kaya’y sa Nobyembre biglang darating ang boyfriend mong taga-Australia sa ating bansa, upang ikaw ay pakasalan, kaya sa ngayon dagdag na lambing at caring ang dapat upang lalong mapalapit ang loob nya sa iyo.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending