Horoscope, August 15, 2016 | Bandera

Horoscope, August 15, 2016

Madam Sophia - August 15, 2016 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging masigla ang araw dahil sa malaking halaga ng salapi na biglaang matatanggap. Sa pag-ibig, pagdating ng hapon, sa isang Aries lalong iinit ang pakikipag-relasyon. Mapalad ang 6, 12, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Hindi natatapos ang problema, kusa lang itong lumilipas. Kasabay nito hindi rin nauubos ang dating ang suwerte. Ang kaibihan lang ng dalawa, ang problema ay kusang dumarating sa mga taong may magulong isip, habang ang suwerte ay kusang nalalasap ng mga taong may peace of mind. Nilaynilayin mo ang katotohanang nabanggit upang lumigaya at magtagumpay. Mapalad ang 5, 18, 27, 34, 41, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Pink at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Huwag basta-basta na lang magtampo sa kasuyo, ganon lang talaga ang ugali ng topaking Scorpio. Sa pinansyal, kung hindi ka napautang, wag sasama ang loob, maghanap na lang ng ibang mahihiraman ng pera. Mapalad ang 6, 15, 21, 29, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om-Homine.” Lilac at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—May oportyunidad na darating sa pangingibang bansa – sunggaban mo agad. Sa pag-ibig, wag ng pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Oktubre, ka-compatible at ka-tugma mo siya. Mapalad ang 5, 18, 25, 37, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Hindi dapat pairalin ang damdamin upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pagiging praktikal yayaman ka. Sa pag-ibig wag ng pakawalan ang kasuyong Capricorn. Mapalad ang 2, 7, 29, 33, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bodhana-Om.” Green at gold ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Higit na kikita ng malaking halaga kung papanatiliin ang pagiging low profile. Sa pag-ibig, wag dominahan ang kasuyo upang wag siyang sumpungin. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pag-ibig, isang kakalat-kalat na Libra ang iyong matatalisod, mainit na pagniniig ang mabilis na kasunod. Sa pinansyal, habang nagpapakasipag tuloy ang dating ng maraming pera. Mapalad ang 1, 9, 14, 19, 28, 40. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Dabra.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Mas mabilis na uunlad kung magko-concentrate sa ginagawa at wag ng masyadong makipagdaldalan. Sa pag-ibig, sa isang Virgo ikuwento ang lahat ng sama ng loob – mauunawaan ka nya. Mapalad ng 3, 6, 16, 24, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Om.” Red at Purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Pera na naman ang magiging problema. Itigil na kasi ang negosyong hindi naman kumikita. Sa pag-ibig, sundin ang suwestyon ng kasuyo, upang maiwasan ang mas mabibigat pang problema. Mapalad ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra:“Om-Padme-Om.” White at magenta ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Isang kaibigan ang hihingi ng favor. Tama ang iyong iniisip, tulungan at damayan mo siya. Sa pag-ibig, ngayon pa lang paglaanan na nang budget ang muling pagde-deyt nyo ng kasauyong kuripot. Mapalad ang 7, 11, 23, 29, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Green at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi mo madadala ang salapi sa langit, mas mainam kung itutulong mo ito sa mga nangangailangan at wala ng maasahan. Sa ganyang diskarte lalong lalago ang iyong kabuhayan. Mapalad ang 4, 7, 9, 25, 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gonvinda-Om.” Beige at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Upang umunlad ang kabuhayan laging isa isip ang kasabihang: “Pera-pera lang walang personalan!” Sa pag-ibig, paglaanan ang future, imungkahi sa kasuyo na mag-share-saving kayo at sa iyo ipatago ang nasabing ipon. Mapalad ang 4, 12, 21, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimo-Om-Agara.” Red at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Gagantimplaan ka ng tadhana, kusang madadagdagan ang kita sa buwan ng Setyembre. Sa pag-ibig, lalong iinit ang pakikipagniig sa isang Libra. Mapalad ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Silver at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending