HINDI na namin pagtatakhan kung isa sa araw na ito ay nangangamoy-piging ang kapaligiran ni Mansueto Velasco or simply Onyok.
Onyok, who was a silver medalist in the 1996 Atlanta Summer Olympics sa larangan ng boksing-would have been richer by P2.5 million kung naibigay lang sana sa kanya ang kanyang napanalunan noong Ramos administration.
Wonder, 20 years later, how much interest would a P2.5 million in time deposit sa alinmang banko have reached? Pati kaya ang dapat sana’y accrued interests on the principal ay kasamang ibigay kay Onyok sa ilalim ng bagong pamunuan?
Why there’s every likelihood na lalanding na sa wakas sa palad ni Onyok ang malaki-laking perang ‘yon-despite the adverse effects due to irresponsible use, ay malaking pasasalamat sa social media.
In an urban community, ang social media kasi ay maihahalintulad sa iyong tsismosang kapitbahay whose well-kept secret of her kumpare with a woman right across the street other than his losyang wife for example is broadcast at its loudest.
Maingay na maingay na kasi ngayon sa social media ang panaghoy ni Onyok that he be given what’s rightfully due him, bagay na kung hindi pa nagwaging silver medalist si Hidilyn Diaz sa women’s weightlifting competiton sa Rio Olympics ay hindi pa muling mauungkat ang isyu.
Ngayong naipagkaloob na kay Hidilyn ang limang milyong pisong gantimpala mula sa pamahalaan, twice as much na tinanggap sana noon ni Onyok katumbas din ng medalyang pilak, may dahilan na ba para magdiwang ang huli?
Ewan nga lang kung sa loob ng 20 taon, since the cash incentive was unreleased, ay sakop si Onyok ng inamyendahang batas noong 2015.
With Sen. Manny Pacquiao, himself a world-class boxing champ, nakakaaninag si Onyok at iba pang mga atleta ng sulyap ng liwanag na meron silang kakamping boses mula sa kanilang hanay. From GLOVE to LOVE.