Eksena nina Glaiza at Ken sa Encantadia nag-trending

glaiza de castro at ken alfonso

SA paglalim ng kuwento ng iconic GMA telefantasya na Encantadia ay ang patuloy na paghulog ng loob ni Glaiza de Castro sa kanyang role bilang Pirena.

Ayon sa mahusay na aktres, kahit siya ay nagugulat kapag matagumpay siyang nakakatapos ng isang eksena. Paliwanag niya, “Mas minamahal ko si Pirena everytime na may nangyayaring tagumpay. Pinupuri ko talaga si Pirena na since matagal niyang pinagpaplanuhan ‘yung mga gagawin niya.

“So ako, nagugulat and at the same time natutuwa dahil naging effective ‘yung pagpapaawa ko sa mga kapatid ko. Tsaka ang challenge nu’n kay Pirena is kung hanggang saan niya kaya panindigan yun at kung hanggang kailan kasi meron pa siyang ibang mga motibo na gagawin.”

Samantala, nag-trend din kamakailan ang episode ng Encantadia na nagtatampok sa pagsasamantala at pagpaslang ni Pirena sa isang kawal ng Lireo, na kinilala ng mga manonood bilang si Kapuso actor Ken Alfonso. Ayon sa mga netizens, sinayang lang daw ni Pirena ang lalaking ito dahil gwapo at matipuno.

Ayon kay Ken, hindi niya inasahan ang mainit na pagtanggap ng mga manonood sa nangyari sa kanila ni Pirena. Gayunpaman, inanyayahan niyang patuloy na subaybayan ang nakakahumaling na istorya ng Encantadia lalo na ang buhay pag-ibig ni Pirena.

“Masaya ako and na-shock actually kasi very short lang yung clip na yun and yet maganda ang naging feedback ng viewers. Then we are still hoping na maging maganda pa yung takbo in terms of love life ni Pirena,” sabi pa ng binata.

Read more...