GMA Films producer, dating aktor ikakasal na?

annette gozon

TOTOO kaya ang tsikang ikakasal daw si GMA 7 executive Annette Gozon sa dating aktor na si Shintaro Valdes?

May nagtsika sa amin na matagal na raw magkarelasyon sina Shintaro at Ms. Annette na pareho namang single ngayon dahil annulled na ang kasal ng GMA executive sa asawang si Atty. Lito Abrogar.

At mukhang hindi naman itinatago ng dalawa dahil nang i-check namin ang Instagram account ni Shintaro ay naka-post lahat doon ang litrato nila ni Annette na magkasama at sweet sa isa’t isa.

Kuwento ng aming source, “Bongga na si Shintaro ngayon dahil he’s into farming, malaki ang lupain niya na puro organic at may iba pang business.

“Hindi man siya nag-succeed as an actor, successful businessman naman siya kaya hindi naman siya alangan kay Annette,” sabi pa sa amin.

Kaya pala nawala si Shintaro sa showbiz dahil nagnegosyo, at least hindi napariwara ang buhay niya tulad ng nangyari sa ibang kasabayan niya noon sa showbiz.

E, teka, hindi ba siya sososyo sa GMA Films na nagbabalik na sa pagpo-produce ng pelikula?

Read more...