Female star gamit na gamit ang ex-dyowa sa promo ng pelikula

 

MATINDING pagkaawa ang nararamdaman ngayon ng marami para sa isang young female personally na napakaraming kinikipkip na sama ng loob tungkol sa kanyang dating karelasyong guwapong young personality.

Maraming nagsasabi na magaling tumayming ang young actress, meron kasi siyang proyekto ngayon na kailangang paingayin, kaya napili niyang gamit-gamitin sa kanyang promo ang ex niyang napakaguwapong personalidad.

Kuwento ng mga nakakakilala sa young actress ay napakahaba ng pinalampas niyang pagkakataon para magsalita laban sa kanyang ex. Wala siyang kakibu-kibo nu’n pero ngayon ay para siyang bagong panganak na tigre sa sobrang katapangan.

Komento ng isang personalidad na malapit sa aktres, “Magaling siya! Ang galing-galing talaga niyang tumayming! Imagine, ang tagal-tagal na nilang hiwalay nu’ng guy, pero ngayon lang siya nagkukukuda ng ganyan?

“Itayming ba sa promo ng movie niya? Meron pa bang effect ‘yun sa guy na sinasabi niya, e, kaya nga sila nagkahiwalay, e, hindi masakyan nu’ng lalaki ang ugali niya?

“Ibang klase ang babaeng ‘yun! Kung ano ang gusto niyang gawin, walang makapipigil sa kanya! Kahit ang mga taong super-close na sa kanya, e, walang magawa dahil ibang klase nga ang takbo ng utak ng babaeng ‘yun!” napapailing na kuwento ng aming source.

Hindi siya papansinin ng guwapong male
personality na inuupak-upakan niya ngayon. Ayon sa malalapit sa binata ay mapapagod lang sa kadadaldal ang babae pero hinding-hindi siya bibigyan ng panahon ng guy.

“Ang totoo, e, nagpapapansin lang naman ang babaeng ‘yun, e! Palagi naman siyang ganyan, sobrang KSP siya, gusto lang niyang mabigyan siya ng attention, sa totoo lang.

“Bago pa ba naman ang mga pinagsasasabi niya ngayon? Bradly Guevarra, wisikan mo nga ng agua bendita ang babaeng ‘yun, para siya mahimasmasan!” pagtatapos ng aming impormante.

q q q

Siguro naman ay mananahimik na ngayon ang mga bashers ni Angel Locsin. Hindi na ang pangkasalukuyan lang ang binura ng dalaga sa kanyang puso at isip ngayon kundi pati ang nakaraan nilang naunsiyaming pagmamahalan ni Luis Manzano.

Hindi kasi kagandahan ang mga komentong ibinabato kay Angel na kesyo ayaw na nga sa kanya ni Luis ay naghahabol pa siya. Para sa kanyang mga bashers ay para bang tapos na ang lahat-lahat para kay Angel mula nang magkahiwalay sila ng aktor-TV host.

Ngayong binura nang lahat ni Angel ang mga ebidensiya ng minsan nilang pagmamahalan ng aktor ay mananahimik na siguro ang mga nagsasabing ipinagduduldulan pa rin niya ang kanyang sarili sa binata na may bago nang karelasyon.

Komento ng kaibigan naming propesor na hindi lang updated kundi nagsasaliksik pa tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ng mga artista ay tama lang ang ginawa ni Angel.

“It’s about time na burahin na niya ang lahat-lahat ng makapagpapaalala sa naging relasyon nila ni Luis. Right move ‘yun. Panahon na talaga para magdesisyon siyang tapusin na ang lahat-lahat sa kanila ng ex niya.

“That will give a pound of security for Jessy Mendiola na halatang-halata namang sobra ang pagka-insecure sa kanya, samantalang sila na nga ni Luis ngayon. Good for the girl!

“And good for Angel na rin, tapusin na niya ang past nila ni Luis, hindi naman si Luis lang ang isda sa dagat, puwede ba?” komento ni prop.

Read more...